Mga Laro Ngayon

(EAC Gym, Manila)

2:00 n.h. -- UPHSD vs EAC (jrs)

4:00 n.h. -- UPHSD vs EAC (srs)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

PATITIBAYIN ng University of Perpetual Help System Dalta ang nasimulang ratsada sa pakikipagtuos sa Emilio Aguinaldo College ngayon sa pagpapatuloy ng aksyon sa 94th NCAA basketball tournament sa EAC Gym sa Taft, Manila.

SINALUBONG ng depensa ni Robert Bolick ng San Beda ang driving lay-up ng karibal mula sa St. Benilde sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA Season 94 nitong Martes sa Fil-Oil Arena. RIO DELUVIO)

SINALUBONG ng depensa ni Robert Bolick ng San Beda ang driving lay-up ng karibal mula sa St. Benilde sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA Season 94 nitong Martes sa Fil-Oil Arena. RIO DELUVIO)

Nangunguna si Edgar Charcos, rookie transferee mula sa University of the East, sa hataw ng Altas sa nakalipas na dalawang laro tangan ang averaged 20.5 puntos sa manipis na 65-67 kabiguan sa reigning titlist San Beda Lions at 78-75 panalo laban sa Letran Knights.

Kumasa si Charcos, pumalit sa puwesto na nabakante ni veteran Kieth Pido bunsod nang injury sa kanang paa, sa naiskor na career-high 27 puntos sa laro laban sa Letra,

“He’s a big reason why we’re playing like this, I’m confident he could sustain it,” pahayag ni Perpetual Help coach Frankie Lim patungkol sa sweet-shooting guard na si Charcos.

Sa kasalukuyan, ikalawa si Charcos sa scoring sa likod ng 6-9 Cameroonian na si Hamadou Lamanou, na may averaged na 24 puntos.

Magkakasukatan ng lakas sina Charcos at Laminou sa kanilang pagtatagpo ganap na 4:00 ng hapon.

EAC mentor Ariel Season said they need to finish strong to win games.

“If you’ve noticed, we’ve always finished badly. Now if we could somehow find a way to finish big, we’ll have a chance,” pahayag ni EAC mentor Ariel Sison.

Kapwa naghahangad ng panalo ang magkabilang panig para makaabaya sa nangungunang Lyceum of the Philippines na umarya sa 4-0 matapos gapiin ang Arellano University, 82-65, nitong Martes.

Nanguna sin CJ Perez sa dominasyon ng Pirates sa naiskor na career-high 31 puntos, anim na rebounds, anim na assists at limang steals.

Nagwagi rin ang San Beda sa St. Benilde,75-69; habang nanaig ang San Sebastian sa Jose Rizal University, 86-76.

Iskor:

(Unang laro)

LPU (82)- Perez 31, Nzeusseu 15, Ayaay 13, Marcelino JV 10, Serrano 4, Pretta 3, Caduyac 2, Cinco 2, Marcelino JC 2, Ibañez 0, Santos 0, Tansingco 0.

AU (65)- Cañete 12, Alban 11, Alcoriza 10, Villoria 9, Meca 6, Dela Cruz 4, Concepcion 4, Sera Josef 3, Codiñera 2, Ongolo Ongolo 2, Santos 2, Abdurasag 0, Dela Torre 0, Sacramento 0.

Quarterscores: 19-33; 37-41; 58-54; 82-65

(Ikalawang laro)

San Sebastian (86) – Capobres 16, Bulanadi 14, Ilagan 13, Calisaan 10, Valdez 9, Are 7, Calma 6, Dela Cruz 4, Villapando 4, Sumoda 2, Desoyo 1, Arciaga 0

JRU (76) – Dela Virgen 14, Padua 13, Mendoza 8, Miranda 8, Ramos 8, Esguerra 7, Mallari 7, David 4, Santos 3, Bordon 2, Silvarez 2, Estrella 0, Aguilar 0, Dela Rosa 0

Quarterscores: 27-15; 51-34; 65-56; 86-76

(Ikatlong laro)

San Beda (75) – Bolick 25, Mocon 14, Abuda 12, Tankoua 6, Soberano 5, Eugene 4, Nelle 3, Oftana 2, Canlas 2, Tongco 2, Cuntapay 0, Doliguez 0

CSB (69) – Leutcheu 22, Young 15, Haruna 10, Naboa 7, Dixon 6, Gutang 4, Carlos 3, Pasturan 2, Velasco 0, Domingo 0

Quarterscores: 15-24; 33-38; 52-52; 75-69

-MARIVIC AWITAN