BEIRUT (Reuters) – Pinaslang ng mga militanteng Islamic State ang mahigit 200 katao sa magkakaugnay na pag-atake sa government-held area sa timog kanluran ng Syria nitong Miyerkules.

Nilusob ng jihadist fighters ang ilang pamayanan at nagsagawa ng suicide blasts sa provincial capital na Sweida, malapit sa isa sa ilang liblib na lugar na hawak pa rin ng IS.

Sinabi ng pinuno ng Sweida provincial health authority sa pro-Damascus Sham FM na 215 ang nasawi at 180 ang nasugatan sa pag-atake, gayundin ang 75 mandirigma ng IS.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline