ATHENS (AFP) – Nagluluksa ang Greece sa pinakamatinding wildfires na naminsala sa bansa, at pinangangambahan na aakyat pa ang mga numero – 74 nasawi at 187 nasugatan – habang patuloy ang paghahanap ng rescuers sa mga taong nakulong sa kanilang mga tirahan o nasusunog na sasakyan.

Nilamon ng mga sunog na sumiklab nitong Martes ng hapon, ang kabahayan at kakahuyan, at napilitang lumikas ang residente sa mga bayan malapit sa Athens.

“Today, Greece is in mourning,” sinabi ni Prime Minister Alexis Tsipras, na pinutol ang kanyang biyahe sa Bosnia, at idineklara ang tatlong araw na pambansang pagluluksa.

Inilarawan ng Greek media ang sakuna na “national tragedy”. Hindi pa nabibilang ng gobyerno kung gaano karaming tao ang nawawala.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Natagpuan ang sunog na bangkay ng 26 katao, kabilang ang maliliit na bata, sa isang villa sa seaside resort ng Mati, may 40 kilometro mula sa hilagang silangan ng Athens, sinabai ng rescuer na si Vassilis Andriopoulos.

Magkakasama ang mga ito, “perhaps families, friends or strangers, entwined in a last attempt to protect themselves as they tried to reach the sea”, aniya.

“Mati no longer exists,” sinabi ni Evangelos Bournous, alkalde ng katabing Rafina, idinagdag na mahigit 1000 gusali at 300 sasakyan ang nasira.

Sinabi ni Interior Minister Panos Skourletis na prayoridad nilang mapatay ang apoy sa Kineta, may 50 kilometro mula sa Athens.