INILABAS ng royal family ng Britain ang nakangiting larawan ni Prince George nitong Sabado, kasabay ng selebrasyon ng ikalimang kaarawan ng apo sa tuhod ni Queen Elizabeth, nitong Linggo.

Prince George copy

Si George, ang panganay na anak nina Prince William at Duchess Catherine, ay kinunan ng larawan sa garden ng kanilang tahanan sa Clarence House, central London, pagkatapos binyagan ang kanyang bunsong kapatid na si Prince Louis.

Iniulat ng Daily Mail na ipinagdiwang ni George ang kanyang birthday sa Caribbean island ng Mustique sa Saint Vincent at sa Grenadines kasama ang kanyang pamilya.

Karina Bautista, PH navy reservist na

-Reuters