Limang katao, kabilang ang dalawang menor de edad, ang inaresto sa akto umano ng paggamit umano ng ilegal na droga sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Ronnie De Luna y Dollendo, 41; Necitas Penano y Manalo, 32; Jonelle Echon y Blancia, 29; at dalawang 13-anyos na lalaki.

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police, nakatanggap ng sumbong ang awtoridad mula sa isang residente kaugnay ng nagaganap na pot session sa Mayuga Compound, Barangay Almanza Uno sa naturang lungsod, dakong 10:00 ng gabi.

Hindi na nakapalag ang mga suspek sa mga pulis at nakumpiska ang tatlong pakete ng umano’y shabu, isang bukas na pakete na may bakas ng hinihinalang droga, at drug paraphernalia.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 11, 12, 13, 14 at 15 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Bella Gamotea