NAKAKATUWA ang video na ipinost ni Zanjoe Marudo nang sayawin nila ni Empoy Marquez ang Ohhlala Dance nila sa Kusina Kings. Kasama nila sa pagsayaw si Piolo Pascual, na makikita mong enjoy na enjoy sa pagsayaw.

Piolo copy

Ang caption ni Zanjoe sa dance video: “fast learner @piolo_pascual.”

Hindi malinaw kung saan kuha ang video, pero parang sa isa sa dressing room ng ABS-CBN. Pagkatapos ng dance number, pinasalamatan nina Zanjoe at Empoy si Piolo.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Maganda kung gagamitin ng Star Cinema ang video sa promo ng movie, tiyak na maaaliw ang makakapanood.

Showing sa July 25 ang Kusina Kings, na bukod sa makukuhang tips sa pagluluto, patatawanin din nina Zanjoe, Empoy at iba pang cast, ang moviegoers.

Sa direksiyon ni Victor Villanueva ang pelikula, na ayon sa Star Cinema ay six years in the making!

-Nitz Miralles