ENGAGED na si Lotlot de Leon sa Lebanese boyfriend niyang si Fadi El Soury makaraang mag-propose si Fadi last July 15.

Lotlot at Fadi

Kakaiba ang gimik ng fiancé ni Lotlot, dahil hindi agad singsing ang ibinigay nito sa aktres. Hindi rin ito lumuhod nang tanungin ng “will you marry me?” si Lotlot.

Idinaan ni Fadi sa plate of desserts ang proposal. Nakasulat sa ibabaw ng different desserts nang mag-dine sila sa isang restaurant sa Tagaytay City ang kanyang wedding proposal kay Lotlot.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kuwento ni Lotlot, nablangko muna siya bago sumagot ng “oo”, at doon na lumuhod si Fadi at nagkaiyakan na ang engaged couple.

Six years na ang relasyon nina Lotlot at Fadi, at tanggap ng mga anak ni Lotlot ang fiancé. Kasama na nga si Fadi sa family photos ng mag-iina.

Sa December daw this year ang plano ng dalawa na magpakasal. Isa itong civil wedding sa beach.

So far, tatlong celebrities ang ikakasal bago magtapos ang 2018. Bukod kay Lotlot, before the year ends din ang kasal nina Christian Bautista at Kat Ramnani, at nina Iza Calzado at Ben Wintle

-NITZ MIRALLES