ISA ang action superstar na si Jackie Chan sa dalawang Asian celebrities na nakapasok sa listahan ng World Highest-Paid Celebrities ng Forbes, para sa taong 2018.

Jackie copy

Ayon sa ulat ng Tencent, ang aktor, na pumasok sa 59th spot, ay ibinunyag na kumita ng $45.5 million batay sa datos na ibinigay ng mga pangunahing research companies.

Binilang sa listahan ang kabuuang pre-tax earnings ng mga celebrity mula Hunyo 1, 2017 hanggang Hunyo 1, 2018.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tampok si Jackie sa anim na pelikula na ipinalabas noong 2017, kabilang ang Sino-Bollywood collaboration na Kung Fu Yoga, ang animated feature na The Lego Ninjago Movie, gayundin sa British thriller na The Foreigner – kung saan nakatanggap si Jackie ng papuri mula sa mga kritiko para sa kanyang performance.

Bukod kay Jackie, ang iba pang Asian star sa listahan ay ang Bollywood actor na si Salman Khan, na nasa 82nd spot at may kitang $37.7 million.

Kahit na ang top spot ay napunta sa dating professional boxer na si Floyd Mayweather, ang talagang nakakuha ng atensiyon ay ang reality TV star na si Kylie Jenner, dahil siya ay umarangkada sa ikatlong spot, kaya siya ang tinaguriang pinakabatang female celebrity na napabilang sa listahan, sa kinitang $166.5 million, ulat ng The Hive Asia.