HUMATAK ng followers si Barbie Forteza sa YouTube nang imbitahan niyang mag-guest si Jak Roberto sa kanyang vlog at patok na patok sa netizens ang sweetness nilang dalawa.

Barbie and Jak

Ang pakulo ng video na ito ay si Jak ang magme-make up kay Barbie at kung inakala ng iba na hindi maayos ang kalalabasan, nagkamali sila! Plakado ang make up ng Inday Will Always Love You star, at perpekto ang pagkakalagay ng contour.

Aliw na aliw ang viewers nila dahil nakakakilig ang mga linya nila sa isa’t isa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Samantala, kasabay ng pagtaas ng bilang ng followers ni Barbie ay ang pagdami rin ng tagasubaybay ng primetime show niya dahil mas nagiging exciting ang palabas sa pagpasok ng evil sister niyang si Sunshine. Sinasabotahe ni Sunshine (Ayra Mariano) ang trabaho ni Happylou (Barbie), at parang hindi pa kayang paniwalaan ng ating bida ang posibilidad na ito. Kailangang mag-ingat ni Happylou sa mga taong pinagkakatiwalaan niya dahil hindi lahat ay mabuti ang intensiyon ‘no! Abangan kung paano mabubulgar ang kasamaan ni Sunshine sa IWALY

-MERCY LEJARDE