Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang alkalde at apat na konsehal ng Polangui, Albay dahil sa hindi pagsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Sa suspension order, na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nitong Hunyo 27, 2018, at Department of Interior and Local Government (DILG) memorandum nitong Hulyo 3, nakasaad na liable sina Cherilie Mella Sampal; Jesciel Richard C. Salceda; William H. Buendia, Sr.; Edgar B. Arbo; at Edna R. Siguenza sa “gross neglect of duty” at pinarusahan ng “suspension from the service without pay” sa loob ng isang taon na may “stern warning” sakaling maulit ang insidente.
Ipinag-utos din sa lokal na pamahalaan ang mabilis na pagsasara at rehabilitasyon ng open dumpsite sa Barangay Sugcad sa nasabing bayan, at ang pagbabawal ng muling pagtatayo.
Samantal a , aminado s i acting Mayor Herbert Borja na isinaayos na ang open dumpsite sa dalawang barangay, ngunit sa halip na magtayo ng controlled dump site ay nagbukas lamang ng panibagong open dumpsite ang LGU sa ibang barangay.
“We are doing our best to comply with the law. The LGU is working for it,” ani Borja.
-NIÑO N. LUCES