Ipinahayag ng gobyerno ng Pilipinas ang repatriation ng 51 Pilipina na nagtungo sa United Arab Emirates (UAE) bilang turista, nakahanap ng trabaho ngunit kalaunan ay umalis sa kanilang sponsors o agencies dahil sa pagmamaltrato, pang-aabuso, at hindi pagbayad sa kanilang mga suweldo.

Ang huling batch ng overseas workers ay nagdagdag sa kabuang 702 Pilipino na pinauwi mula sa UAE simula ngayong taon, ayon sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi.

Sinabi ni Philippine Embassy Charge d’Affaires Rowena Pangilinan-Daquipil na patuloy silang nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng UAE para matugunana ng mga problema ng overseas Filipinos, lalo na ang Household Service Workers (HSWs).

-Roy C. Mabasa
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji