HANDA na rin ang Team Philippine jiu-jitsu, sa pangunguna ni Meggie Ochoa para kumampanya sa Asian Games.
Nakamit ng 25-anyos ang gintong medalya sa katatapos na 3rd Jiu-Jitsu Asian Union (JJAU) Asian Championship sa Aqtau, Kazakhstan.
Ginapi ni Ochoa sa women’s senior-49kg. ang kababayang si Kaila Napolis sa championship match. Kabilang si Ochoa sa pambato ng ng bansa sa jiu-jitsu na lalaruin sa unang pagkakataon bilang regular sports sa Asian Games sa Palembang, Indonesia sa Agosto 18 hanggang Setyembre 12.
Nagwagi naman ng silver medal sina Jan Cortez (Ne-Waza men’s senior -56kg) at Marc Lim (Ne-Waza men’s senior -69kg), habang bronze medalist sina Carlo Pena (Ne-Waza men’s senior -62kg), Annie Ramirez (Ne-Waza women’s senior -62kg), at Hansel Co (Ne-Waza men’s senior -77kg).
Ginapi ni Ochoa sina Deepudsa Siramol ng Thailand at Alkhatib Yasmeen ng Jordan para makausad sa finals.