Blangko pa ang mga awtoridad sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng pananambang sa isang tauhan ng pulisya sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon.

Namatay kaagad sa pinangyarihan ng krimen si SPO1 Rolly Kamid, 51, may asawa, ng Barangay Poblacion, Isulan, Sultan Kudarat, at nakatalaga sa Lambayong Municipal Police.

Ayon kay Senior Supt. James Gulmatico, hepe ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, lulan sa kanyang motorsiklo si Kamid mula sa duty nito nang bigla itong pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Purok Rose, Bgy. San Rafael, Tacurong City.

Matapos matiyak na patay na ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kaagad na tumakas ang mga suspek sakay sa motorsiklo patungo sa liblib na barangay ng Tacurong City.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente upang matukoy ang mga suspek at motibo ng mga ito.

-Fer Taboy