SI Erich Gonzales pala ang producer ng We Will Not Die Tonight na kasama sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino at naging opening film sa New York Asian Film Festival, kaya naman ang saya-saya ng aktres nang makausap siya sa send-off presscon para sa mga delegadong pupunta sa New York, na sponsored ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Erich

A m i n a d o a n g a k t r e s n a nanghihinayang siyang hindi nakasama sa pagbubukas ng pelikula nila sa New York dahil abala siya sa taping ng The Blood Sisters.

“Sayang nga po, eh, pero okay na kasi maganda naman ang feedback ng pelikula naming We Will Not Die Tonight. Tapos heto napasama pa sa Pista ng Pelikulang Pilipino,” nakangiting sabi ng aktres pagkatapos ng presscon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Unang beses ni Erich na gumawa ng action movie. “Bilang artista po, ayaw naman po nating maging de-kahon. Hanggang kaya po nating gumawa ng iba’t ibang klaseng pelikula, iba’t ibang role.

“Sana magustuhan ng movie going public ang We Will Not Die Tonight, kasi may suspense, thriller at action. Ito pong pelikulang ito ay talagang brutal kung brutal, pero may puso at nangyayari ito sa totoong buhay. It’s a film about survival at ano ang gagawin mo kapag nandoon ka sa panganib na ‘yun kung magtatago ka ba o lalaban ka para mabuhay.” Bakit nga ba sumabak na rin si Erich sa pagpo-produce ng pelikula.

“’Yung kakaibang istorya na isinulat ni Direk Richard (Somes) at kakaibang approach niya sa pelikula na sabi ko nga eversince gusto kong gumawa ng proyektong out of the box, at itong We Will Not Die Tonight ay perfect para sa akin. Kaya sabi ko kay Direk, gusto kong mag-take ng risk sa proyektong ito at gusto ko ring i-test ang limits ko.

“Ang dami pong first dito sa pelikula, wala akong stunt double dito, talagang ako lahat ang gumawa ng action to the point na si Direk pa ang natatakot, at panay ang pigil sa akin na gawin iyon dahil baka raw mapapaano ako.”

Ang tinutukoy ni Erich ay nang dalawang beses siyang makuryente sa isang eksena ng pelikula. Itinigil ni Direk Richard ang nasabing scene, at biniro naman ito ng aktres: “Sabi ko naman, ‘Direk kaya ko, we will not die tonight’.

“Lahat sila natakot sa akin sa elevator scene kasi dapat patay na ‘yung kuryente. ‘Yung baba ako at taas, walang double. ‘Pag hawak ko, nanginig ako. Totoo pala ‘yun. Kaya nag-take two kami, meron pa rin. Sabi nga ni Direk, ‘wag na ‘to, it’s not worth your life. Sagutin kita’. Eh, sabi ko, ‘Di ba Direk gustung-gusto mo ‘tong scene na ‘to, gawin natin’.

“Tapos sa 3rd takes kinabukasan nagawa na namin. Buwis-buhay talaga ang mga ginawa ko rito,”kuwento ng aktres.

Biro nga namin sa dalaga na may pagkamasokista siya. Parang gustung-gusto niyang pinahihirapan ang sarili niya, gaya sa seryeng The Blood Sisters na triplets siya, at iba-iba ang karakter.

“Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawa lahat ‘yun. Sabi ko nga ‘wow, Lord, Ikaw na ito’. Sobrang pagmamahal ko siguro talaga sa trabaho, sineseryoso ko lahat ng ginagawa ko kahit nagkakasakit na ako, hangga’t kaya ko pa.

“But lesson learned din sa akin na you have to listen also to your body, ‘di ba? ‘Pag naramdaman mong hindi na kaya ng katawan mo, bibigay ka na. ‘Di ba sa taping ng Blood Sisters, naospital na ako, ‘yun lang talaga ang nakapagpatigil sa akin sa taping,” paliwanag ng aktres.

“One day lang ako natigil kasi for airing kami, eh. After naka-recover ng slight, back to taping na talaga.”

Hirit namin kung sa trabaho na lang ibinubuhos ni Erich ang lahat ng panahon niya dahil wala siyang love life.

“Ano ‘yan,” birong sagot niya sa karakter niyang Agatha. “Thankful din ako kasi na-appreciate ng mga nakakapanood ang pinaghirapan natin.” At nang makasabay namin sa elevator ang aktres ay sinabi naming napaka-effective niya bilang Agatha at halos lahat ng nanonood ay galit sa karakter niyang iyon.

“Naku, nai-stress nga ako kay Agatha, ina-asthma ako sa kanya,” seryosong sabi ni Erich.

Sa madaling salita, sa karakter niyang Agatha siya nahihirapan sa The Blood Sisters?

Sabi pa namin na masama man ang ugali ni Agatha, eh, baka siya rin ang magliligtas sa pamilya niya sa bandang huli.

“Magandang idea ‘yan, ah, suggest ko nga ‘yan sa Creative,” sagot naman ng aktres.

Anyway, mapapanood na ang We Will Not Die Tonight sa Agosto 15-21, sa lahat ng sinehan nationwide, handog ng Strawdogs Studio Productions.

-Reggee Bonoan