ISA sa mga soundtrack ng pelikulang Sid & Aya (Not A Love Story) nina Anne Curtis at Dingdong Dantes ang ‘Di Na Muli, ng singer/composer na si Janine Teñoso.

Ang ‘Di Na Muli ay mula sa PhilPop compilation album na nanalo ng top prize at originally recorded ng songwriter a si Jazz Nicolas at ng kanyang bandang Itchyworms. Ang daloy ng original version ay magkahalong classic rock, blues, at pop ballad.

Mas soulful ang bersiyon ni Janine, na pumangalawa sa Viral 50 sa Philippine chart. To date, na-reach nito ang more than three million streams.

Bukod sa ‘Di Na Muli, tampok din sa movie soundtrack ng Sid & Aya ang Heartbeats nina Andrea Barbiera at Jun Cubil; at Darkness Fell, ng The Juans.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

-REMY UMEREZ