MARAMING netizens ang nagtatanong kung si Terrence Romeo ba ang pinatatamaan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang spiel nitong nakaraang araw sa show na, “Hi. Kamusta presinto?”

Terrence copy

Si Terrence ay player ng Gilas Pilipinas na nasangkot sa isang bar brawl sa Tomas Morato Avenue, nitong Huwebes ng madaling araw.

Ang pabirong pangungumusta ni Vice ay naganap sa live episode of It’s Showtime, nito ring Huwebes.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sinasabing nagkaroon umano ng romantic involvement ang comedian-TV host at ang basketball player in the past at maaalalang sa parehong araw, sa Tawag Ng Tanghalan segment ng It’s Showtime, isa sa mga contestants ang nagsabing she remains friends with her ex-boyfriend kahit hiwalay na sila. Ang topic ay tungkol sa break-ups.

Pinutol naman ni Vice ang sinasabi ng contestant at sinabing ex-lovers could not be friends.

“Hindi naman totoong nagiging magkaibigan ang magka-ex. Magkakilala lang kayo, ayos kayo, pero di kayo magkaibigan,” mariing sabi pa ni Vice.

Butt in naman ni Vhong Navarro kay Vice: “Kung may pagkakataon lang na mag-hi ka sa kanya, puwede bang mag-hi ka?”

Pagkarinig nito ay humarap agad si Vice sa camera at sinabi, “Hi. Kamusta presinto?” na sinundan niya ng tawa.

Kaagad naman itong napansin ng netizens at ipinost nila sa Twitter na ang komento ni Vice ay patungkol kay Terrence at sa kamakailan nitong pagkakakulong.

Nasangkot sa gulo ang Gilas player sa labas ng isang bar sa Quezon City at sa nakunang video ng kanyang nakaalitang grupo, makikitang dinadala si Terrence ng security sa labas ng Quezon City Police Station 10.

Makalipas ang ilang oras, nag-post si Terrence sa Twitter para ipaalam sa publiko na hindi siya nagtagal sa prisinto at itinanggi rin niyang siya ang nagsimula ng gulong kinasangkutan.

“im in my house right now. Im not held up in any prison or station. No need to make a fuss. Watch the cctv i believe its somewhere in social media right now.I didnt do anything. Let the video speak for itself. Anyway both camps are okay naman na. Goodnight,” tweet ni Terrence.

-Salvador Saluta