Itinalaga ni Pangulong Duterte si Justice Undersecretary Antonio Kho, Jr. bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Ang pagtalaga kay Kho ay upang makumpleto na ang mga opisyal ng Comelec.

Pupunan ni Kho ang nabakan­teng puwesto ni Sheriff Abas, na iniluklok na chairman ng Comelec.

Si Kho ay maninilbihan sa Comelec hanggang Pebrero 2022.

Bilang ng enrollees sa paparating na pasukan, lolobo ng 27 milyon!—DepEd

Napag-alaman na si Kho ay “brod” ni Duterte sa Lex Talionis fraternity sa San Beda University. Si Kho ang ikaapat na appointee ni Duterte sa Comelec.

-Beth Camia