Nanawagan sa pamahalaan ang isang kongresista na muli nang buksan sa publiko ang Boracay Island, sa Aklan para na rin umano sa kapakanan ng libu-libong trabahador at residenteng nawalan ng kabuhayan dahil sa rehabilitasyon ng isla.

Ito ang iminungkahi ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, kasunod ng pahayag ni Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na bubuksan nila sa Oktubre 26 ang nasabing isla.

"Kami, gusto naming buksan na ngayon at kung mayroon mang mga rehabilitasyon na gagawin, pwedeng ituloy 'yan,” pahayag nito.

Pinuna rin ni Zarate ang ipinatutupad na anim na buwang rehabilitasyon ng isla, na tinawag ni Pangulong Duterte na "cesspool".

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"Kunwari i-rehabilitate mo ‘yung dagat, pwede mo namang gawin 'yun na hindi mo isara yung kabuhayan, mag off-limits ka doon.

Kasi 36,000 mahihirap na manggagawa ang nadisplace. Initial lang nila, binigyan ng mga ayuda tapos ngayon wala na. Kasi complex naman ang problema sa Boracay eh. P'wedeng i-address ‘yan na hindi nasa-sacrifice 'yung kabuhayan ng ating kababayan," pagdidiin pa nito.

-Ellson A. Quismorio