KAYA pala “giant teleserye” ang tawag sa pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, dahil malaking proyekto ang Cain at Abel. Considered din na Primetime actors ng GMA-7 ang dalawa, na first time magsasama sa action drama, kaya malaking proyekto nga ito.

Dingdong,-Marian,-Jennylyn-at-Dennis copy

Ang nadinig namin, nasimulan nang sulatin ang script, dahil sa August ang target schedule ng taping for September airing siguro. Nagka-casting na rin at sabi, pinipili pa ang direktor. Pero tiyak na may napili nang direktor, ayaw pa lang ipaalam.

Wala pa kaming narinig kung sino ang magiging leading lady nina Dingdong at Dennis sa Cain at Abel. Suhestiyon tuloy ng Kapuso viewers, bakit hindi ang real life partners na lang nilang sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado na lang ang kunin?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa GMA Anniversary at Thanksgiving Party ay nagkasama ang apat. Nakunan sila ng litrato, kaya nag-wish tuloy ang Kapuso fans na sana ay pagsamahin ang apat sa isang teleserye. Bakit nga naman hindi ito simulan sa Cain at Abel, kahit mag-guest lang sina Marian at Jennylyn?

-Nitz Miralles