Hindi uubra ang mga “kabit” at malalapit na kamag-anak ng mga pulitiko upang maging kandidato sa anumang halal na puwesto sa ilalim ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
“I’m glad they removed it, otherwise we will be disenfranchising the legitimate family members while mistresses and their relatives will be allowed instead because they do not classify under the second degree of consanguinity,” ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Kasalukuyan kasing nagkakaroon ng bicameral committee upang talakayin ang pinal na bersyon ng BBL na balak ipasa bago ang State of the Nation Address (SONA.
Sa bersyon ng Senado nakasaad sa Article VII Section 15 na “No Party Representative should be related within the second (2nd) civil degree of consanguinity or affinity to a District Representative or another Party Representative in the same Parliament.” Pero iginiit ni Senate Minority Franklin Drilon na kailangan ang isang mahigpit na regulasyon hinggil sa dinastiya ng mga pulitiko.
-Leonel Abasola