BUONG pamilya ni Zoren Legaspi ang dumalo sa GMA Anniversary Party na ginawa sa Manila Polo Club nitong Biyernes. Sa kanilang apat, si Zoren pa lang ang official Kapuso, dahil siya pa lang ang pumirma ng one-year contract sa GMA Artist Center (GMAAC).

Zoren, Cassy, Mavy at Carmina copy

Ang asawang si Carmina Villaroel, kahit nasa Kambal Karibal ay walang exclusive contract sa GMAAC o sa network. Ang kambal nilang sina Mavy at Cassy, pipirma pa lang ng kontrata.

Magtatapos na ang Kambal Karibal, habang magsisimula naman sa next Monday, July 16, ang airing ng morning series na Kapag Nahati ang Puso. Kasama sa serye si Zoren, at pag-aagawan siya roon nina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga, at may mga eksenang topless ang aktor.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Nang una kong mabasa ang script, nagulat ako na may mga topless scene ang karakter ko. Kinabahan ako, may wrestling scene pa pala na hindi sinabi sa akin kung kailan kukunan,” kuwento ni Zoren.

“Pagdating ko sa set, ready na pala ang set up, eh, wala akong dalang underwear. At ang suot kong shorts, too shorts. Natakot ako baka may lumabas. Ibang shorts na lang ang isinuot ko,” sabi niya.

Nakuhanan nang maayos ang wrestling scene at napapanood ang eksenang ‘yun sa trailer ng serye, na ididirehe ni Gil Tejada.

Sa kuwento pa rin ni Zoren, magkakaroon pa siya ng wrestling scene, kasama sina David Licauco at Benjamin Alves. Next time, siniguro niyang handa na siya sa nasabing eksena.

-Nitz Miralles