Patay ang isang backrider habang sugatan ang isang motorcycle rider nang mabangga ng dump truck na tinangka nilang i-overtake sa Antipolo City, nitong Sabado ng hapon.

Dead on the spot si Bongbong Ibo, alyas Ching, nasa hustong gulang, ng Barangay Sabutan, Silang, Cavite, habang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa Amang Rodriguez Hospital si Mark Joseph Pasioles, 28, ng Block 78, Lot 19, Barangay San Isidro, Antipolo City.

Naghihimas naman ng rehas ang driver ng truck na si Ariel Panong, 33, ng Batangas City, matapos maaresto ng pulisya.

Sa imbestigasyon, naganap ang aksidente sa tapat ng Hillside Plaza, sa Sumulong Highway, Bgy. Mayamot, bandang 3:00 ng hapon.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Magkasunod binabagtas ng dump truck (ACP-1499), na minamaneho ni Panong, at ang motorsiklong sinasakyan nina Ibo at Pasiole, sa naturang lugar.

Tinangka umanong mag-overtake ni Pasioles sa dump truck, ngunit nawalan ito ng kontrol sa manibela at sumemplang.

Si Panong ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries.

-Mary Ann Santiago