Mariing kinondena kahapon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagpatay sa dating piskal sa Cebu City na si Atty. Salvador Soliman.

Sa isang pahayag na pirmado ni IBP national president Abdiel dan Elijah Fajardo, nanawagan ang grupo sa mga law enforcement agency na lutasin kaagad ang kaso.

Idinahilan ng grupo, ang madalas na pag-target sa mga abogado, piskal at hukom ay nakaaapekto sa justice system ng bansa dahil sila ang mga sinasandigan sa pagpapairal nito.

Giit ng IBP, walang lugar sa isang sibilisadong lipunan ang pagpatay at karahasan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga abogado ay mga propesyunal at hindi dapat iniuugnay sa kanila ang mga krimen ng kanilang kliyente.

Sila umano ay nanumpa na itataguyod ang kapakanan ng kanilang mga kliyente nang malaya mula sa takot at panggigipit at alinsunod sa batas.

Taong 1998 nang nagretiro sa Department of Justice (DoJ), si Soliman ay pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay sa Cebu habang kasama ang kanyang misis na si Verosse, nitong Lunes ng gabi.

-Beth Camia