NANATILING malinis ang rekord ni rookie boxer John Michael Zulueta nang talunin sa 10-round split decision ang mas beteranong si Cris Ganoza para masungkit ang bakanteng Asian Boxing Federation minimumweight title nitong Hunyo 30 sa Gaisano City Mall sa Bacolod City, Negros Occidental.

Napaganda ni Zulueta ang kanyang kartada sa perpektong 8 panalo, 3 sa pamamagitan ng knockouts, at 2 tabla at tiyak na papasok sa world rankings.

Umiskor pabor kay Zulueta ang mga huradong sina Henry Cestina at Gedione Nietes sa mga iskor na 99-91 at 97-93 samantalang pumabor si judge Carlos Costa kay Ganoza sa iskor na 96-94.

Bumagsak ang kartada ni Ganoza sa 15 panalo, 2 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts at humiling kaagad ang rematch kay Zulueta.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

-Gilbert Espeña