ALL is set na para sa 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa July 9, Lunes, 7:00 p.m., sa The Theater at Solaire.

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra at ng Globe Studios bilang major presenter, tatayong hosts sa maningning na gabi ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez, habang nakatoka naman bilang anchors sa sosyaling red carpet sina Rhian Ramos at Tim Yap.

Ilan sa magpe-perform sa gabi ng parangal ang kilalang rappers na sina Abra at Loonie, sina Morissette Amon, Bituin Escalante, ang Wishful 5, at si Noel Cabangon.

Ang limang nominado bilang pinakamahusay na pelikulang Filipino ay ang Birdshot (TBA Studios/Pelikula Red), Deadma Walking (T-Rex Entertainment, Octo Arts Films), Respeto (Cinemalaya Foundation, ArkeoFilms, Dogzilla), Smaller And Smaller Circles (TBA Studios), at Unexpectedly Yours (Star Cinema).

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Nominado naman sa pagka-best actress sina Joanna Ampil (Ang Larawan), Mary Joy Apostol (Birdshot), Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours), Bela Padilla (100 Tula Para Kay Stella), at Alessandra de Rossi (Kita Kita).

Paglalabanan nina Abra (Respeto), Joshua Garcia (Love You To The Stars And Back), Edgar Allan Guzman (Deadma Walking), Aga Muhlach (Seven Sundays), at Ronaldo Valdez (Seven Sundays) ang best actor trophy.

Tatanggap naman ng special awards sina Mario Hernando, Joe Quirino Award (posthumous); Ricky Lo, Manny Pichel Award; at Viva Films producer Vic del Rosario, Producer of the Year Award.

Bukod dito, magbibigay din ang SPEEd ng EDDYS Rising Producers Circle Award kina Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, at Veronique del Rosario ng Viva Films.

EDDYS Icon awardees naman sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Charo Santos-Concio at Maricel Soriano.

Pagkatapos ng awards rites, magkakaroon ng bonggang after party, ang The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets, tabloids at ang kasalukuyang presidente ay si Ian Fariñas, ng People’s Tonight.

-Ador V. Saluta