Sa ikaapat na pagkakataon, nasa kabuuang 133 armas ang isinuko sa Philippine Army sa Pikit, North Cotabato matapos hikayatin ng mga lokal na opisyal ang kanilang mga nasasakupan na isuko ang kanilang mga 'di lisensiyadong armas.

Pinangunahan ni Pikit Mayor Sumulong K. Sultan ang turn-over ng matataas at mabababang kalibre ng armas, na sinaksihan ni North Cotabato Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza, kay 6th Infantry Division Commander Brig. Gen. Cirilito E. Sobejana sa gymnasium sa nasabing bayan nitong Lunes.

Ayon kay Sobejana, ikinalugod niya ang inisyatiba ng alkalde at mga kapitan ng barangay para sa kanilang pagsisikap na mapanatili ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na armas.

Kabilang sa mga isinuko ay ang 14 na rocket-propelled grenade; 22 M79 rifles; 13 M14 rifles; tatlong M16 rifles; 17 mussel rifles; isang M4 rifle; 13 shotguns; 26 na Barret rifles; siyam na mortar; 12 carbines; at tatlong Uzis.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

-Francis T. Wakefield