KAMAKAILAN lamang ay isinilang ang ika-pitong anak ng tinaguriang Lord of Scents, Afficionado owner, Joel Cruz nitong Hunyo 25 at ipinagmalaki niya ito sa kanyang social media account: “Hospital where I had my stem cell treatment today in St. Petersburg, Russia. Excited to see my 7th son in an hour, see you baby Zeid- 2 day old!”.

Joel (nasa left lang po, pls crop) copy

But sadly, ayon sa ilang report, ay nagkaroon ng problema sa paghinga ang si baby Zeid at kailangang mag -stay muna sa nasabing hospital sa Russia.

Pero nito lang Biyernes ay may nakapagsabi kay yours truly na umuwi na raw dito sa bansa si Sir Joel at babalikan na lang daw ang kanyang bunso.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sanay na kami at madla pipol na laging kambal ang nagiging anak ni Sir Joel Cruz, pero this time or bakit this year isa lang? Hindi na kaya kinaya ng ina na magsilang uli ng kambal?

“Actually, iisa lang ang ina ng mga anak ni Sir Joel. Kinukunan ‘yong babae ng kanyang stem cell at ihahalo sa stem cell ni Sir Joel,” ayon sa source.

“Kaya magkakapatid silang tunay kahit ‘yong mga sumunod na kambal na kung saan ang sterm cell ng ina at ni Sir Joel ipinupunla sa ibang babae na taga Russia din pero iisa lang ang kanilang ina at ama na si Sir Joel Cruz nga kaya lahat sila ay magkakapatid na tunay,” dagdag pa ng source.

Now just asking, bakit itong huli ay hindi kambal?

Well, hayaan n’yo at ‘pag nagkaroon ng chance na makausap namin si Sir Joel ay siya mismo ang tatanungin namin para siya na lang ang mag-esplika kung bakit, okidoki?

So there!

-MERCY LEJARDE