OKLAHOMA (AP) – Manatili si Paul George sa Oklahoma City.

Ipinahayag ng all-star member nitong Sabado (Linggo sa Manila) na maglalaro siya sa Thunder, taliwas sa alingasgaw na paglipat niya sa Los Angeles Lakers.

“I’m here to stay,” pahayag ni George.

Tulad niya, mananatili rin si Derrick Rose, isa sa star player na available sa free agency market, sa Minnesota Timberwolves.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pumayag ang 2011 NBA MVP sa isang taong kontrata na nagkakahalag ng $2.4 million, ayon sa source na may direktang kinalaman sa usapin.

Naitala ni Rose ang averaged 5.8 puntos sa 25 laro sa Wolves sa nakal;ipas na season.

Samantala, nagkasundo ang Dallas Mavericks aat si DeAndre Jordan para sa isang taong kontrata na nagkakahalaga ng $24.1 milyon.

Naganap ang kasunduan tatlong taon mula nang magkasundo ang dalawang panig para makuha ang noo’y unrestricted free agent na forward, ngunit nagbago ito ng desisyon sa huling pagkakataon.