“KARMA is real. What you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through. Babalik at babalik din sa ‘yo lahat, kaya magbago ka na habang hindi pa huli ang lahat kagaya ko.”

Xian Gaza copy

Ito ang post ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account nitong Huwebes, bandang 3:00pm, matapos niyang kumpirmahin na nasentensiyahan siyang makulong dahil sa pag-iisyu ng mga talbog na tseke.

Post ni Xian: “GUILTY—5 Y E A R S & 6 M O N T H S I M P R I S O N M E N T ₱2,180,000.00 FINE plus legal interests and costs. Christian Albert Gaza is hereby found GUILTY beyond reasonable doubt of eleven (11) counts of violation of Batas Pambansa Bilang 22, otherwise known as The Bouncing Check Law.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang nasabing desisyon ay pirmado ni Judge Maya Joy P. Camposanto, ng Malabon Metropolitan Trial Court.

Unang nakilala si Xian nang mag-viral ang pag-aaya niya ng coffee date kay Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard sa Maynila.

Na-link din si Xian sa Viva star na si Ella Cruz, na naging partner pa niya sa kanyang dance studio, na kalaunan ay nagsara rin.

S a m a n t a l a , nabasa rin namin ang Instagram post ni Xian na karga ang anak at may caption: “I just realized recently na kahit anong landas pa ang tahakin ko or kahit anong gawin ko sa buhay ko, eh, I will just always feel incomplete because my son is always and shall forever be a part of me no matter what. “Hindi ko lang talaga matanggap pa hanggang ngayon na ang worst consequence ng lahat ng ginawa kong kat@rant@dvhan sa buhay eh yung mahiwalay at malayo sa kanya nang tuluyan for good, na this is all my fault.

“’Magpakaama’ is a choice and I chose to be a selfish y.o.l.o. bachelor in expense of my personal relationship with my very own son that I will deeply regret for the rest of my life. I miss you so much, anak. I love you.”

Nag-post si Xian ng isa pang litrato na katabi niya ang natutulog na anak: “Malapit nang dumating ‘yung araw na ika’y magkakaisip na at ako’y iyong sobrang ikakahiya at kasusuklaman. Mababasa mo ito few years from now anak, so please listen to Papa. If you will search ‘Xian Gaza’ on Google, Facebook and YouTube you will see thousands of links, articles, headlines, photos, videos and a l l . E v e r y t h i n g you’ll see is true. Unfortunately, ako ‘yung ama mo. I am very sorry anak. Mahal na mahal kita and I will forever love you no matter what. I will always be your proud Papa Ian.”

Ramdam naming nagsisisi naman na talaga si Xian sa mga ginawa niya, kaya umaasa kami na paglabas niya ng kulungan ay magbago na siya. At gaya nga ng sabi niya, magpapakaama na siya sa anak niyang nasa pangangalaga ngayon ng ina nito.

-Reggee Bonoan