HINDI na naman sinipot ni Ellen Adarna ang hearing sa kasong isinampa sa kanya ng ina ng netizen na nakaaway niya. Kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Law at child abuse ang isinampa laban sa dating sexy actress ni Myrna Abo, ang ina ng dalagitang netizen.

Ellen copy

Last Monday ay ikatlong hearing na sana ng kaso, pero ni anino ni Ellen ay walang dumating sa Pasig Regional Trial Court, bagamat present naman ang tatlong abogado na kinuha ng aktres para ipagtanggol siya, huh!

Dahil sa sunud-sunod na hindi pagsipot ni Ellen ay sobrang disappointed na raw ang nanay ng netizen. Kumbaga, mula nang isinampa ang kaso ay wala pa ni isang hearing ang sinipot ng girlfriend ni John Lloyd Cruz.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ayon pa raw sa nagsampa ng reklamo, sobra na raw ang ginawang pagpapahirap sa kanila ni Ellen. Kumbaga, ayon sa mga ito, ay knows na raw naman nila ang intensiyon ng aktres kaya hindi nito sinisipot ang hearing nila.

“Maybe their play is to delay the case but my quest for justice for my daughter is unwavering,” mensahe ni Myrna kay Ellen.

Sinabi naman ng isa sa mga abogado ni Ellen na si Atty. Rebo Saguisag, ipinagbabawal daw sa aktres ang anumang pagbibiyahe mapa-land man o sa himpapawid.

Masyado na raw kasing delikado ang pagbibiyahe para sa ipinagbubuntis ni Ellen, ang panganay nila ni John Lloyd. Masyado raw magaan ang timbang ng sanggol na dinadala ni Ellen, kaya delikado ang pagdadalantao ng huli.

“Masyadong magaan ang baby sa loob ng tiyan ni Ellen, bukod pa rin sa kamamatay pa ng ama niya, na talagang ipinagluksa niya nang husto,” sey pa ng kausap namin.

Dagdag pa rin naman ng mga ito, more than willing daw si Ellen na magpakita ng medical certificate sa mga nagrereklamo, para patunayang mahigpit na ipinagbabawal sa aktres ang pagbiyahe dahil sa kanyang pagbubuntis.

This coming July 9 ang susunod na hearing, at hindi pa rin alam ni Ellen kung makakasipot na siya, huh!

-Jimi C. Escala