FEELING proud ang lahat ng mga na-tattoo-an ni Apo Whang- Od, dahil opisyal na siyang kinilala bilang National Artist nitong Lunes.

Apo Wang-Od copy

Opisyal nang iginawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Cultural Heritage sa pinakamatandang tattoo artist sa bansa, ang 101-anyos na si Apo Whang-Od.

Sa mismong bayan niya sa Kalinga Capitol Plaza sa Tabuk, Kalinga ginanap ang seremonya, bandang 5:00 ng hapon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matatandaang noong 2017 ay lumuwas ng Maynila si Apo Whang-Od dahil gusto niyang makilala ang bida ng FPJ’s Ang Probinsiyano na si Coco Martin, at dumalo rin siya sa trade show na ginanap naman sa World Trade noong Oktubre 20-22. Naging kontrobersiyal pa nga ito dahil may mga nagsabing exploited ang kilalang Mambabatok, makaraang mag-viral ang litrato niya nang makatulog sa presscon dahil sa pagod.

Going back to Coco, hindi nagawang tattoo-an ni Apo Whang-Od ang aktor, dahil walang sapat na oras. Saglit lang kasi silang nagkaharap noon.

Anyway, maraming artista ang gustong magpa-tattoo kay Apo Whang-Od lalo na ‘yung maraming projects. Pero ang problema nila ay wala silang sapat na panahon na dumayo sa Kalinga.

‘Yong mga artistang hindi naman gaanong abala at gustong magpalagay ng tattoo ay tiyak na maraming oras, kaya go na kayo!

Nakikinita na namin na baka maging triple ang dami ng dadagsa ngayon kay Apo Whang-Od matapos siyang tanghaling National Artist.

-REGGEE BONOAN