Nasamsam ng pulisya ang nasa P24-milyon halaga ng shabu, mga pampasabog at iba’t ibang uri ng baril, mula sa isang pamilya sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

Sinalakay ng mga tauhan ng Ozamis City Police Office, na pinamumunuan ni Chief Insp. Jovie Espenido, ang isang bahay sa Barangay San Roque, Ozamis City sa bisa ng 15 search warrants na ipinalabas ng korte.

Paglilinaw ni Espenido, sinalakay ang bahay ng isang nagngangalang Boy Luansing kung saan nakumpiska umano ang mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu, mga pampasabong at baril.

Nasamsam din sa lugar ang panibagong isang kilong shabu, mga pampasabog, at iba’t ibang uri ng baril.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nadakip din ng pulisya ang magkakapatid na Tinay, Ruben at Analyn Luansing nang masamsaman umano sila drogang aabot sa 300 gramo at mga baril.

Ang pagkahuli sa magkakaanak na Luansing ay isinagawa ilang linggo ang nakararaan nang maaresto rin ng PNP ang nagbitiw na si Misamis Occidental Board Member Mena Luansing sa Metro Manila, na kasalukuyang nakakulong sa Ozamiz City Jail.

Si Luansing ang sinasabing live-in partner ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, na naaresto sa Taiwan, kamakailan.

-Fer Taboy