Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang paglilipat sa federal form ng gobyerno ay magbubunsod ng pag-aasenso sa mga lalawigan.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ni Duterte sa isang talumpati na pinag-iisipan niyang payagan ang jueteng dahil sa economic inactivity sa ilang lalawigan.

Sa press briefing sa Cagayan de Oro, sinabi ni Roque na ang economic inactivity sa mga lalawigan ang pangunahing dahilan kung bakit isinusulong ng Pangulo ang federalismo.

“Kaya nga po sinusulong ng Presidente ang federalismo...Nahuhuli pa rin po ang mga probinsiya sa pag-unlad, at nahuhuli pa rin po ang mga probinsiya pagdating sa mga proyekto,” ani Roque.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Nananawagan pa rin siya talaga na magkaroon ng charter change patungo sa federalismo dahil ito lang po talaga ang magbibigay ng solusyon doon sa hindi patas na pag-unlad,” patuloy niya.

-Argyll Cyrus B. Geducos