Sinibak kahapon ni Pasay City Police chief Senior Supt. Noel Flores sa puwesto ang kanyang limang tauhan, kabilang ang tatlong babaeng pulis, nang bugbugin umano ng mga ito ang hinuling lasing na propesor sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.

Pansamantalang itinalaga sa Admin Holding Office at inatasang mag-report araw-araw sa tanggapan ni Flores sina SPO2 Basir Amil, PO1 Arvin Genove, PO1 Wilma Delight Dececa, PO1 Angelica Torres, at PO1 Madonna Biasura, pawang nakatalaga sa Central Park Police Community Precinct (PCP).

Kinilala naman ang inaresto na si Sherwin Guardame, 42, propesor sa National Teachers College (NTC) sa Maynila, at residente ng Barangay 130, Zone 13, Pasay City.

Ayon sa ulat, sinita ng limang pulis si Guardame, sakay sa kanyang kulay pulang Honda Wave nang mamataang walang suot na helmet, sa D. Jorge Street sa Bgy. 130.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Gayunman, sinigawan, pinagmumura at sinabihan umano ng propesor ang mga pulis na “walang patawad”, kaya ginulpi umano siya ng mga pulis, dakong 8:00 ng gabi nitong Sabado.

Si Guardame ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10054 o hindi pagsusuot ng helmet, R.A. 10583 o pagmamaneho nang lasing, at resistance and disobedience to person in Authority.

-Bella Gamotea