MAE SAI (AFP) – Pinangunahan ng mga desperadong magulang ang pagdarasal sa labas ng isang binabahang kuweba sa hilaga ng Thailand kung saan 12 bata ang ilang araw nang nakulong kasabay ng pagpapatuloy ng Navy rescue divers sa paghahanap sa kanila kahapon.

Daan-daang katao ang tumutulong sa paghahanap sa mga batang miyembro ng isang football team at kasama ang kanilang coach na pumasok sa kuweba noong Sabado ngunit hindi nakalabas dahil sa malakas na ulan at baha sa bunganga ng kuweba.

Nagkampo ang mga nag-aalalang kamag-anak sa labas ng kuweba na nasa hangganan ng Myanmar at Laos at patuloy sa pagdarasal na ligtas silang makauwi.

Ang mga batang nasa edad 11 hanggang 16, ay pinaniniwalaang sumilong sa kuweba nang bumuhos ang ulan ngunit binaha ito.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline