NAGPAHAYAG ng paghanga si Jaclyn Jose sa anak na si Andi Eigenmann nang payagan nitong sumama kay Jake Ejercito sa Amerika ang anak nilang si Ellie, kahit pa mangangahulugan itong hindi kasama ni Andi ang anak sa kanyang birthday.

Jake at Ellie

Hindi napigilan ni Jaclyn na i-post ang paghanga sa anak: “1st time that you celebrated your bday without Ellie, I ask you why? You said minsan lang mag-graduate si Jake I can always have her more of my birthday. I agree to that ok lang kasi mas lalo mo ako pinapahanga sa pagmamahal mo kay Ellie...so proud of you for having level headed, ingat lang anak sa dagat.”

Sinundan ‘yun ng isa pang post ni Jaclyn: “Mas pinili mo na mapasaya si Jake sa grad niya and so I agree. Basta madami ka pa Bday.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Masaya sina Jake at Ellie sa mga litrato na ipinost ni Jake tungkol sa pamamasyal nilang mag-ama kasama ang mga kapatid ni Jake.

Samantala, kung si Andi ay wala pang balak bumalik sa telebisyon, napapanood pa rin si Jaclyn sa The Cure, ng GMA-7. Siya si Dr. Evangeline Lazaro, na naghihinagpis dahil ang anak na si Dr. Josh Lazaro (Ken Chan) ay infected na makaraang kagatin ng mga infected ng Monkey Virus Disease o MVD. Sinisisi ni Dr. Evangeline ang sarili dahil siya ang dahilan sa pagkalat ng nasabing virus.

-NITZ MIRALLES