HANOI (Reuters) – Pitong katao ang kumpirmadong nasawi at 12 iba pa ang nawawala sa mga baha at landslide na bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa hilaga ng Vietnam simula nitong Sabado, sinabi kahapon ng Disaster Management Authority ng gobyerno.

Ang mga biktima ay pawang nagmula sa mga bulubunduking probinsiya ng Lai Chau at Ha Giang, kung saan limang katao rin ang nasugatan sa mga baha at landslide, ayon sa ahensiya.

“Rain has subsided in Lai Chau province, but we fear that the death toll will continue to rise as the chance for the missing to be found alive is very thin,” sinabi ni Vu Van Luat, disaster management official sa probinsiya.

Ang mga baha at landslide ay nagdulot din ng mahigit 76 bilyon dong ($3.32 milyon) na pinsala sa kabahayan, kalsada, at pananim sa lalawigan, ayon sa pahayag.
Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national