NANGISLAP si Kris Aquino sa mga suot na diamonds sa presscon ng I Love You, Hater at pinasaya niya ang press people sa sinabi niyang worth ng mga suot na alahas, na ang equivalent ay three-bedroom condo unit sa Rockwell. Ibig sabihin, milyones ang halaga ng diamonds dahil alam nating lahat kung gaano kamahal ang condo unit sa Rockwell.

Kris copy

May mga pumuna sa ginawa ni Kris, nega sa kanila ang dating. Pero mas marami ang natuwa dahil hindi show off ang dating sa kanila.

“I’m super #chill-well about the jewelry. Because alam ko & alam n’yo how hard i work & how much i have paid in taxes...so in other words-perang pinaghirapan ang ginastos. And i had the guts to say what i did because i bought so many goodies to SHARE. Some from my endorsements & some from friends, but some i personally paid for. Hindi proper magyabang ng kung anong meron ka kung hindi ka marunong mag share ng blessings & questionable ang ginamit na pambili. But neither would apply to me.”

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Anyway, nakakaaliw na may shipper na sina Kris at Atty. Gideon Peña, dahil may mga kinilig nang mag-guest si Atty. Gideon sa isang webisode ni Kris. Pero sabi ni Kris sa mga nagsisimulang shippers nila ni Atty. Gideon, ‘wag nang pakialaman ang abogado para hindi magulo ang buhay niya at hindi ma-stress.

-NITZ MIRALLES