“BABA(term of endearment), I’m sorry I made a mistake and I promise to be a better man. For me, for us,” ito ang sinabi ni Joshua Garcia kay Julia Barretto nang tanungin siya ni Kris Aquino kung ano ang maipapangako niya sa dalaga.

Joshlia copy

Naging instant host si Kris sa ginanap na grand presscon ng I Love You, Hater nang pilit niyang pinaamin ang JoshLia kung opisyal na silang magkarelasyon, pero ang aktor muna ang tinanong niya kung mahal niya ang aktres.

“Yes,” ang walang kagatul-gatol sa sagot ni Joshua.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Diretsong tinanong ni Kris si Joshua kung girlfriend na ba niya si Julia at “hindi ko pa masabi, Tita,” lamang ang sagot ng aktor.

Balik-tanong ng Queen of Online World and Social Media, “bakit hindi?”

Ang natawang sagot ni Joshua, “sa tamang panahon!”

Kaya dito na tinanong ni Kris kung ano ang maipapangako niya kay Julia, kung saan nag-promise siyang magiging “better man” para sa dalaga.

Samantala, tinanong din si Joshua kung mayroon ba siyang naging hate pero minahal pa rin niya.

“Sarili ko. ‘Yung sarili ko recently, may mga nagawa akong desisyon na mali. Pero siyempre, sarili mo pa rin ‘yung kailangan mong mahalin. Tinuruan din ako ni Baba na mahalin ang sarili ko,” pahayag ng aktor.

Ang tinutukoy ni Joshua ay nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Julia dahil sa naging private conversation nila ng isa sa Instagram follower niya na kumalat sa social media.

Ilang buwan din ang tinagal bago naayos ang gusto sa pagitan ng dalawa.

Paliwanag nga ni Julia, “siyempre there are some decision about the person you love made (mistake) but at the end of the day, nangunguna talaga ‘yung love mo for the person. So, you may hate what you’re doing but it can never overcome the love that you have for the person.”

Hirit ni MJ Felipe kay Julia kung sino ang huling nagsabi ng I love you sa kanila ni Josh, at “siya!” tugon ng aktres.

Samantala, nagtataka ang lahat ng dumalo sa I Love You, Hater presscon kung bakit hindi pa maamin nina Joshua at Julia ang kanilang relasyon gayung aminado naman silang mahal nila ang isa’t isa.

Ano ang ibig sabihin ni Joshua na, “sa tamang panahon”? At kailan ito? May kontrata ba silang pinirmahan na bawal nilang aminin ang kanilang relasyon?

Pero sabi nga, what you see is what you get.

Anyway, mapapanood na ang I Love You, Hater sa Hulyo 11 mula sa direksyon ni Giselle Andres at produced ng Star Cinema.

-REGEE BONOAN