Naaresto sa follow-up operation ng pinagsanib na puwersa ng Taguig City at Pateros Police ang isang lalaki na suspek sa pamamaril sa lungsod, nitong Martes.

I s i n a s a i l a l i m s a imbestigasyon ang suspek na si Jhunimel Gabani y Licup, nasa hustong gulang.

Nagpapagaling naman sa ospital si Kevin Roxas Balibrea, nasa hustong gulang, dahil sa tama ng bala sa mukha.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa M. Almeda Street, Barangay Martirez Del 96, sa Pateros, dakong 3:00 ng madaling araw kamakalawa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ipinarating sa awtoridad ang pinagtataguan ng suspek malapit s a boundary ng Taguig City at Pateros, kaya agad nagkasa ng follow-up operation.

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .22 magnum, na kargado ng dalawang bala at isang basyo; electric weighing scale; dalawang malaking pakete ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P530,500.

Sasampahan ang suspek ng kaukulang kaso.

-Bella Gamotea