IBINIDA ni Kris Aquino sa grand presscon ng I Love You, Hater nitong Lunes, hindi lang ang kanyang mga mamahaling damit at alahas, kundi maging ang kanyang seksing pangangatawan.

Herbert copy

Kumasa siya sa hamon ng press na i-flaunt ang nakatago niyang kaseksihan kaya inalis niya ang kanyang blazer, at tumayo sa entablado.

Sinabi pa niya: “Hashtag Mayor, this is what you’re missing,” na ang pinatutungkulan ay walang iba kundi ang ex-boyfriend na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Halos magiba naman ang buong Dolphy Theater sa lakas ng sigawan ng kanyang fans matapos itong sabihin ni Kris.

Hindi naman masagot ni Kris kung ano na ang sukat ng kanyang katawan ngayon.

“Ay, hindi ko alam, kasi binili ‘to, e,” sabay tingin sa kanyang damit. “So, gumastos ako for this. Kasi kung aapak ka naman at babalik ka sa ABS-CBN, make sure na ang suot mo, alam nila. Kasi bina-value n’yo parati how much, eh. So, sasabihin ko na para madali n’yo na lang ma-research.

“Limited edition 20th anniversary Roland Mouret po ‘yung pants. Balmain ‘yung blazer na suot, Alaia ‘yung shoes,” sabi ni Kris.

Pati ang suot na precious jewelry ay hindi rin pinalampas ni Kris na hindi banggitin ang value.

“’Yung alahas na sinuot [ko], makakabili ng condo—three bedrooms sa Rockwell!”

Ang Rockwell Land ay isa sa mga high-end property developers sa bansa.

Nang matanong muli si Kris tungkol sa kanyang body measurements, muli niyang sinabi na wala siyang ideya sa sukat niya ngayon.

“I would not know kasi nga... okay, there was another dress that was prepared by Francis Libiran that I really wanted to wear. Nung sinukat, sobrang luwag. And then, nag-rush sila and then bumalik pa rin ‘yung mga ano nila, they were really panicking talaga. Hindi kinaya na, kasi ‘yung tela na special, na mahal kung putulin mo, whatever. So, buti na lang may naka-reserve.

“I don’t know [my measurements], but I can tell you though that I did weigh myself kanina, and the weight I have now is ten pounds less than the weight I had before I got pregnant with Bimb,” aniya, tinukoy ang bunsong anak na si Bimby.

Iginiit naman ni Kris na ang maganda niyang pangangatawan ay para sa kanyang kalusugan.

“Hindi, kasi it’s also because of health. Emphasize ko lang sa inyo ’yan na I’ve been open about my health issues. I have hypertension. So, sinusunod ko lang lahat ng bilin ng doktor.

So, I think when you eat the right nutritious food, then it follows. Masunurin ako sa doktor, ‘yun lang ‘yun,” pagtatapos ni Kris.

-ADOR V. SALUTA