BUTUAN CITY – Kinumpirma kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto sa isang Amerikano, na hinihinalang sangkot umano sa pedophile operation sa Buenavista, Agusan del Norte.

Sa ulat na nakuha ng Balita mula sa regional office ng NBI dito, kinilala ang suspek na si Elgin Fedric Anderson, 72, ng Washington DC. Siya ay inaresto ng mga operatiba ng nasabing ahensiya sa kanilang sopresang pagsalakay sa isang apartment sa Rizal Street, Lawang, Barangay 2 sa Buenavista, Agusan del Norte nitong nakaraang linggo.

Matagumpay ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng 2nd branch ng Regional Trial Court sa Hall of Justice, Bgy. Libertad, Butuan City.

Nakuha ng mga tauhan ng NBI mula sa suspek ang isang desktop computer, android tablets, digital storage devices, at isang sex toy.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaresto ng NBI agents ang suspek habang nagko-computer na naglalaman umano ng child pornography material.

Ayon kay NBI 13 Assistant Regional Director Serafin Gil, kinasuhan ang suspek ng paglabag sa Anti-Child Pornography Act in relation to the Cybercrime Prevention Act.

-Mike U. Crismundo