SI Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang special guest of honor sa presentation ng 32 official candidates ng Miss Manila 2018, last Tuesday, sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Muling nag-team up ang The City of Manila at MARE Foundation, kasama ang Viva Live, para sa grand coronation night ng ikalimang Miss Manila.
In celebration ng Araw ng Maynila (June 24), lahat ng proceeds ng pageant sa taong ito ay mapupunta sa MARE Foundation, a non-profit institution na pinamumunuan ni Chairperson at Pageant Director, Ms. Jackie Ejercito.
Ang 32 official candidates for Miss Manila 2018 ay sina Esel Mae Pabilaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo, Paulina Labayo.
Kandidata rin sina Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta. Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Colowo, Beatriz Canary Tolentino, at Lean Dominique Lalu.
Ang live grand coronation night ay gaganapin sa Thursday, June 28, 8:00 PM sa Philippine International Convention Center (PICC) Reception Hall. Ang TV airing ay mapapanood sa Linggo, July 1, sa ABS-CBN Sunday’s Best.
Ang mananalong Miss Manila 2018 ay tatanggap ng prize package worth P1 million (P 500,000 cash plus Viva Management contract worth P500,000). Ang first runner-up ay tatanggap ng P 350,000 cash, P250,000 sa second runner-up, P150,000 sa third runner-up, at P100,000 sa fourth runner-up.
Ang mga mananalo ay kakatawan din sa iba’t ibang functions at events ng City of Manila.
-Nora V. Calderon