Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng gamot na Allupurinol 300mg Tablet (ALLUJEN) na gawa ng New Myrex Laboratories, Inc – Barrio, Catmon, Sta. Maria Bulacan na may lot number SJ NO77 at expiry date na September 2018.

Ang nasabing lots ng mga gamot ay tinatanggal sa merkado dahil sa hindi pagsunod sa Good Manufacturing Practice (GMP) standard.

Dahil dito, hindi matiyak ang kaligtasan, bisa at kalidad ng nasabing mga gamot at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

-Beth Camia
Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang