MASUSUBOK ang AMA Online Education, na pangungunahan ng nagbabalik-aksiyon na si Andre Paras, laban sa Centro Escolar University sa 2018 PBA D-League Foundation Cup.

Nakatakda ang laban ganan na 3 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Hindi naglaro si Paras, 22, sa nakalipas dahil sa paglalaro sa Imus Bandera sa MPBL.

Ang kanyang pagbabalik ay nagbigay ng bagaong pag-asa sa Titans para makabawi sa tatlong sunod na kabiguan, huli sa kamay ng Che’Lu Bar and Grill.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Galing naman sa kabiguan ang Scorpions laban sa Batangas kung kaya’t asahan ang palaban nitong porma.

Umaasa si Coach Derrick Pumaren kina Orlan Wamar at Gilles Oloume para sa ikalawang panalo ng CEU.

Magtutuos naman sa unang laro sa 1:00 ng hapon ang Marinerong Pilipino at Batangas.

Sasabak ang Skippers kasama ang nagbabalik ding si Fil-Am forward Abu Tratter.