NAIKUWENTO ng taong malapit kay Kris Aquino na magpapa-raffle siya nang bongga sa presscon ng bagong pelikula niyang I Love You Hater ngayong gabi, sa Dolphy Theater, kaya naman maraming excited na dumalo.

Kris copy

Sabi ng taong malapit sa Queen of Online World at Social Media, “Christmas in June” daw ang mararanasan ng mga dadalo sa presscon bilang pasasalamat sa muling pagbibigay sa kanya ng Star Cinema ng pelikula, kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

At higit sa lahat, excited si Kris na muling tumapak sa Dolphy Theater para sa nasabing presscon.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Naalala tuloy namin ang isinulat namin dito sa Balita na “Christmas in June” rin ang naramdaman ng household staff ni Kris nang ibinigay na sa kanila ang 13th month pay nila.

At itutuloy ito ni Kris mamayang gabi para naman sa entertainment media/online writers at bloggers.

Mamamahagi rin kaya si Kris ng appliances na ineendorso niya, tulad ng Samsung at Nespresso Machines? Bonggacious nga kung mangyayayari ito!

Anyway, mapapanood na ang I Love You Hater sa Hulyo 11, mula sa Star Cinema, sa direksiyon ni Giselle Andres.

-Reggee Bonoan