SI Joey Abacan ang GMA First Vice President for Program Management, kaya naman natanong siya kung babalik pa ba sa pagpu-produce ng pelikula ang Kapuso Network, partikular na ang GMA Films?

Taong 2016 pa kasi huling nag-produce ng pelikula ang GMA Films, na award-winning ang mga naunang ginawa na Muro Ami at Jose Rizal.

“It has always been like that, kahit noong una naman na nag-handle ng GMA Films, we tried to feel the market all the time. And if you speak to the people who handled GMA Films before, kasi there was a time also that the film industry was also in a slump. Siyempre, as business people also, you have to be checking, what’s the climate right now. So ‘yung nangyari dati, hindi rin nag-produce,”paliwanag ni Mr. Abacan.

“Here comes kami naman nila Annette [Gozon], panahon na namin nila Annette. O, sige, mukhang laban, laban. Eh, nagmukhang malamlam din. So, maiintindihan ko kung ano ‘yung ano (decision) ng board.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa ngayon daw kasi, wala rin naman masyadong kumikita pang pelikula.

“Kaya nagla-lakorn (Thai teleserye) na lang ako,” natatawang dugtong ng GMA executive.

“I’ve been head of the program management, hindi naman films. Tagabili talaga ko. Si Annette talaga ‘yung sa GMA Films,”paglilinaw pa ni Mr. Abacan.

-Ador V. Saluta