CAMP COLONEL RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Siyamnapu’t isa ang inaresto sa all-out drive sa illegal possession of firearms ng iba’t ibang police units sa ilang lugar sa limang probinsiya at anim na lungsod sa Caraga, iniulat kahapon ng regional police command of Northeastern Mindanao Police Regional Office 13 (PRO 13).

Sinabi rin ni PRO 13 Regional Director Chief Supt. Noli A. Romana sa Balita na lahat ng inarestong suspek ay nahaharap sa kaso sa iba’t ibang korte sa rehiyon sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Nagsimula ang pag-aresto sa mga suspek noong Enero ng kasalukuyang taon hanggang Hunyo 15, 2018. Ang 91 naaresto ay mas mataas sa 78 suspek noong 2017.

-Mike U. Crismundo
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?