3 stars with Martin

Ni NORA CALDERON

MAGANDANG makitang magkakasama ang tatlong Kapuso stars na sina Regine Velasquez-Alcasid, Julie Anne San Jose, at Christian Bautista habang kasama sa picture ang Kapamilya singer na si Martin Nievera. 

Nagkita-kita sila last Friday, June 15, sa Dubai. Hindi lamang kami sure kung saan eksaktong kinunan ang photo nila.

Relasyon at Hiwalayan

‘Alam n’yo na kung sino kayo!’ Julia, nag-hi sa mga babaeng umaligid kay Coco

Kadarating lang ninan Regine, Julie Anne at Christian sa Dubai para sa concert nilang 3 Stars 1 Heart, na naganap kagabi sa Dubai World Trade Centre, produced ng @gmapinoytv.  

Pero bago sila nakapag-rehearse for the show last Friday ay nag-perform muna sila para magbigay-saya sa mga distressed kababayan natin, na kasalukuyang tumutuloy sa tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office- Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) sa Dubai.

Nasa Dubai naman si Martin dahil may show pala siya last Friday para sa @kapamilyatfc, at June 16 naman ang show niya sa Bahrain. Pwedeng iisa ang hotel na tinuluyan nila kaya sila nagkita-kita roon.