MOSCOW (Reuters) – Nakatulog sa manibela ang taxi driver na nanagasa ng mga taong naglalakad sa Red Square ng Moscow nitong Sabado, at aksidenteng naapakan ang accelerator pedal, iniulat ng Interfax news agency.

Inararo ng yellow taxi ang mga tao sa kabisera ng Russia, na ikinasugat ng walong katao kabilang ang dalawang Mexican na nasa lungsod para sa soccer World Cup, sinabi ng mga opisyal at mga saksi.

Nasa kustodiya na ang driver na mayroong driver’s license na inisyu ng Kyrgyzstan, at sinabi sa pulisya na hindi niya sinadyang sagasaan ang mga tao.

Sinabi ni Moscow Mayor Sergei Sobyanin sa post sa Twitter: “There was an unpleasant incident with a taxi. The driver lost control of the vehicle.”

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Binuksan na ng city police ang criminal investigation sa pinaghihinalanag paglabag sa traffic code.